One Godly Vote

Simbahan at Halalan

Mamamayan, hinimok na aktibong makilahok sa 2025 midterm election

Naniniwala si Jaro Apostolic Administrator Archbishop-emeritus Jose Romeo Lazo na ang halalan ay isang pagdiriwang at pagpapahayag ng demokrasya ng bansa.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa ika-apat na novena mass para sa PPCRV Prayer Power bilang paghahanda sa nalalapit na Midterm National and Local Elections sa Mayo.

Ayon kay Archbishop Lazo, ang halalan ay pambihirang pagpapamalas ng demokrasya ng bansa na kailangan ang aktibong partisipasyon ng bawat isa upang matiyak ang katapatan ng buong proseso mula sa kampanya at pagboto hanggang sa paglabas ng resulta nito.

“This is an expression of a democratic country in a sense that elections are being celebrated and you know what it is to be in during the election but still, but still it is a celebration of democracy, the process that we go through sometimes in question but yet it is a process wherein it speaks of democracy.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Lazo.

Umaasa naman ang Arsobispo na kasabay ng paggunita ng Simbahan sa Jubilee Year of Hope ngayong taon ay mapuno rin ng pag-asa ang bawat Pilipino para sa kinabukasan ng bansa sa pamamagitan ng aktibong pakikisangkot sa nakatakdang Midterm National and Local Elections sa ika-12 ng Mayo, 2025.

“As we go to the celebration of election, give us hope in this Year of Hope that something may happen that maybe is not in our scenario. God has own way of doing things that we may not see but rest assured that He is there celebrating election as well.” Dagdag pa ni Archbishop Lazo.

Pinaalalahanan naman ng Arsobispo ang bawat isa na mahalaga ang tiwala sa Diyos at sa kapwa na isa ring mahalagang aspekto sa pagtanggap ng anumang resulta sa tuwing sasapit ang halalan sa bansa.

Paliwanag ni Archbishop Lazo, may dahilan ang lahat ng mga nangyayari kung saan ang bawat isa ay ginagamit ng Panginoon upang isakatuparan ang kanyang plano para sa lahat.

“First is the trust that we’ll developed in us, trust in God, trust in one another will be building up as we go on in our preparation and celebration of election, this might not be the focus of what we do but trust in God, trust in one another are important facet’s in helping us to move on in spite of the difficulties that may come because our work is not only our own, it is God’s work in us and through us, we have to be reminded with that because sometimes we can easily be distracted by many things that we forget that God is working in and through us.” Ayon pa kay Archbishop Lazo.

Dinaluhan ang banal na misa ng mga volunteers ng PPCRV sa Arkidiyosesis ng Jaro na isinagawa sa Archbishop’s Palace Chapel, Jaro, Iloilo City noong ika-12 ng Marso, 2025.

Inilunsad ng PPCRV ang Prayer Power Journey for Election noong December 2024 at magtatagal hanggang sa May 12, 2025 sa araw ng halalan upang ipanalangin ang aktibong pakikibahagi ng mahigit 69 na milyong botante sa bansa at upang matiyak ang ‘Clean, Honest, Accurate, and Peaceful Elections’ o CHAMP May 2025 elections.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top